Monday, November 17, 2008

Hello World... asyus!

Hello World!

Anu nga ba ang ibig sabihin ng mga salitang itech?

Anu gagawin mo pag may isang loko lokong tao na bigla na lang humarap sayo at bigla ka na lang sinabihan ng "Hello World!"? Uupakan mo ba? O, sisigawan mo din?

basta ang pagkaka-alam ko, ang "hello world", yan ang kauna unahang phrase na pinalabas ko as output sa aking mga programming courses back in college. isipin mo nga naman.. ilang programming languanges un... eh sa buong mundo... ilang tao ang kumukuha ng computer science na course... so malamang sa malamang, hindi lang ako ang nakapagpalabas ng output na may mga salitang "hello world". sino ba kase ang nagsabi na ito ang gagamitin as your first output message sa programming? pwede namang... uhm... i don't know... "maganda ka"? diba?? pwede naman kung ano ano.. hay nko...

hanggang dito sa blog... kelangan ba naman sa isang automatic post... hello world pa din ang ilalabas..? ay sus... (dear reader/s: gumawa kase ako ng bagong bloggush sa wordpress)

grabe... sabi ko english na ang posts ko from now on eh... kaso... nanaig ang salitang aking kinalakihan... mahirap nga naman mag transition sa iyong kinahiligan... pero syempre from time to time... time after time... time goes by... time flies by... it's time for every juan flies... magpopost din ako ng english... para ni minsan naman maranasan ko ang feeling ng nag-no-nosebleed... (nots: applicable sa lahat ng blog ko to)

ito ang kauna unahang manual post ko sa bagong blog ko na ito... kase nga ung una... ay automatic... siguro naka program sa website na ito, as first entry, para naman may masabi na may entry sila sa kanilang blog, hello world ang ilagay... wow! php ba ito?! mala echo something ba ito... (para ito sa wordpress... hehehehe)

hindi naman halata na copy paste ang ginawa ko noh? eh kase naman... naaawa na ako sa lagay ng blog ko na to... ang tagal ko ng ever since nag blog... eh kase naman... naging busy ang aking mind and... mind lang... hindi body... kase kung pati body eh di sana payat na ako ngaun...

o xa.. eleven ow one pi-em na... baka ma late nanaman ako... next post... sisiguraduhin ko ng english ang post ko... hanggang sa muli... pero syempre... malay naten... eh kung tamarin akong mag english... eh di wala na... italiano na ang kalalabasan nito... hehehehe

Friday, November 14, 2008

marlboro reds

made by someone who recently stopped smoking...

-- yosing pula --

hipak sabay buga

ang yosing pula

pampawisho ng mga rakista

kung gusto mong lumigaya

kumuha ng isang kaha

halina at sumama

sa buhay na walang problema

matinding exam, yosi muna

mabangong kape, samahan ng nicotina

stress ka ba?, magpa kalma

yosing pula ay tirahin na

pag mulat ng mata

agad kong kinuha

yosi sa aking kama

sinindihan patago kay mama

walang pakialam kapag nasindihan na

mahuli na, bahala na

wala akong ginagawang masama

isa akong rakistang sumasaya

sa bawat hipak ng yosing pula

iba ang kwentuhan ng tropa

pati alcohol iba ang tama

imbensyong pampagana

sarap pagtapos mag meryenda

mag sindi ka pa

at kukulangin ang isa

tayo na at mag sama sama

mag sunugan na tayo ng baga

hala, cgue, bira

sa sandaling lilipas, iba na ang asta

wala kang talo, wala kang pag dududa

dalawang piso lang, napaka mura

afford talagang pang masa

kahit saan makakabili ka

pabayaan na ang sasabihin ng iba

dahong nababalot ng hiwaga

maaabot ang mga tala

sa dami ng iyong ginagawa

ito ang paraan para guminhawa

panalo ka talaga sa kanya

anong mangyayari kapag humipak ka?

wag ng isipin at baka mangamba ka pa

tikman mo para ikaw ay makaunawa

di mo rin titigilan, ikaw ay mahahawa

-vhin malana

October 12 2008

Wednesday, April 23, 2008

pramis.. pramis-cuous..

pramis.. sensiya na.. i-a-update na kita.. tamad lang talaga ang kagandahan ko.. hehehe

sensiya na.. nagkaron ng pagkakaabalahan ang kagandahan ko eh.. pumapanget na nga ako eh.. well.. panget naman kase talaga ako.. nagfifiling lang.. anyways.. pumapanget na ako dahil sa pagiging stressed.. kaya kelangan ko ng mag stress tabs + myra E + centrum... para maganda na ako, blooming pa, at the same time, i. am. complete.

o diba..? haha!

Thursday, March 13, 2008

alta-depression

depression... anong ginagawa ng isang taong depress:
1. magpakabugnot
2. magpakasira ng ulo
3. makipag sex (AY!)
4. kausapin ang pader (ung iba nga pinopompyang pa...)
5. uminom... (pwede na rin... dun pa rin ako sa number 3)
maraming pwedeng gawin habang depress ka... eh pano na kung ang iyong nararanasan ay kung tawagin ay "alta-depression"? alam kong walang salitang ganito... eh baket ba..? eh gusto ko... walang maangal...

o diba? depressed ka na... to the next level pa dahil lang sa suffix na "alta"! ibig sabihin ay kakaibang churva na ito!

-------------------------------------------------------------------------------------------------

maraming taong nabuburyong ng walang dahilan... ung iba tatanga lang sa ibang tabi... nabuburyong na... ung iba naman sa walang magawa masabi lang buryong sila... iinisin ang sarili at ayon! buryong na sila! ang iba naman binabaling sa ibang paraan... haharap sa isang boyoyong at biglang mag lilitanya tapos aalis magyoyosi sa labas... at papasok muli sa loob para lang magiiyak na parang tanga... bwisit... arte ang potah... kase daw buryong sila... da hell...

iba iba rin ang level ng buryong sa mga uri ng tao... sa mga lalake... pag walang inuman, ka yosihan, ka kwentuhan, ka kantutan (ay! number 3 na ito!), ka hibangan, at ka halikan (number 3 pa din!), ay buryong buryo na ang buhay nila...

sa mga babae naman... pag walang shopping, ka date, ka landian, ka chikahan, ka iyakan, ka sosyalan, ka artehan, kotse, at ka sex (ay... korni na ah...), ayun, buryo na rin sila...

eh pano naman ang mga obit at bading?? para sa mga obit, pag wala silang nakikitang magandang babae pwedeng gawing princessa na sasambahin nila... ayun... buryo na sila...

at para naman sa mga bading... simple lang yan... pag hindi sila nakakakita ng nota (in other terminus, tite), ay! buryong buryong buryo ang buhay nila! walang saysay!

hmm... saang kategorya kaya ako..? hm... esep esep!!! haha!

-------------------------------------------------------------------------------------------------

ang pagkasira ng ulo ay parte ng buhay... depende na lang kung talagang nasiraan ka na ng ulo... ung tipong major overhaul ka na... at hindi kaya ng mga mekaniko ng shell, petron, o caltex na ayusin yan... kahit na ang mga mistulang talyer na nagkalat sa tabi tabi ng makati ay hindi kakayanin ang powers ng pagkasira ng ulo mo... may kilala akong ganito... hindi na ako magbabanggit ng pangalan... tanungin niyo na lang ako personally... bwahahahahaha!

so pano naman nasisiraan ng ulo ang mga uri ng tao? sa mga lalake: pag wala na silang makakasex kung hindi yours trully... bading!

sa mga babae: pag wala na silang makakasex kung hindi... at hinding hindi si yours trully... ay isang malibog na unggoy na nakatali sa isang isla dun sa boracay... kung hindi mo alam yan... pwes... pumunta ka ng boracay at alamin... beware lang sa mga birhen dela maria clara... ingat ingat eh baka ma livin la vida loka loka ka at ang unang naka doobeedoobeedoo sayo ay isang... unggoy. mahiya ka... eew!

eh pano ang tibo at bading? tibo? ma at pa at eh at ay... para sa mga hindi nakakaintindi ng ganito... pasinsiya... pero dahil mabait ang yours trully... ang ibig sabihin ay malay ko, pake ko, ewan ko, ay nko! o diba... so creative... sound system na ito!

eh ang bading? hehehe... makakita lang yan ng hindi makatarungan na malaking nota... ay tiyak na tiyak masisiraan kami... kami? bat kami... sila! masisiraan sila ng bait!!!

-------------------------------------------------------------------------------------------------

isa sa mga solusyon para maiwasan ang "alta-depression" ay sex... ay!!!
mamili ka na lang sa categoryang ito... at siguro naman self explanatory na ito... kung hindi mo gets... ay nko... lubhang ta-tanga tanga ka na talaga...
1. male + female = haaay... anu pa nga ba... infinity and beyond!
2. male + tibo = sus! magiging malanding futah lang toh
3. male + bading = ay!!! boto ang beauty ever ko nito! so surreal! hehehehe
4. female + bading = walang saysay... walang epekto... meron siguro... bata... pero bading pa din
5. female + tibo = kiskisan na ito!
6. bading + tibo = go back to number 1... corny na toh...
lam nyo naman siguro kung saang number ang yours truly...

-------------------------------------------------------------------------------------------------

maraming ibig sabihin ang pompyang... may apir disapir... may sex (OmG!!!)... at ang pinaka obviousness na definition... iuntog ang ulo... so, para naman mabawasan ang mga saksakan ng tanga sa mundong ito... kausapin mo na lang ang pader... at least diba... iwas gastos sa ospital... alam naman nating lahat... ewan ko lang isa iba kung alam nila... once nagdugo ang ulo mo dahil sa pag pompyang ng ulo sa pader... ay may halaga na yan ng 5000 pesos para lang ipagamot yan sa ospital... pero ika nga ng mga taga makati... kung gusto mong wa gastos... dun ka na lang sa osmak... at sigurado... see you in heaven na lang... kung dun ka nga ba pupunta... hehehehe

-------------------------------------------------------------------------------------------------

matagal ng naimbento ang beer... panahon pa lang ng mga pyramind boys... may beer na... pero bakit ganon? may beer na sa panahon nila... pero sa mga drawing ng kanilang mga people... wala silang beer belly?? ano bang walang recados sa beer nila na meron sa atin kung saan pag ininum mo ang beer ngaun... ay bukas makalawa ang may beer belly ka na???

hmmm?

-------------------------------------------------------------------------------------------------

so ngaun dear readers... alam niyo na ang dapat niyong gawin... ako hindi pa rin... hehehehehe....

baket ba?? walang pakialamanan... hehehehe... o cge... inuutusan lang ako ng mudra ko... see yah belaters!

babu-erz!

Tuesday, February 26, 2008

think of the possibilities, the possibles, and the plausibles... huh?

2008... twenty o' eight... two hundred eight... two hundred and eight... two thousand eight... twenty ate (ha?)... maraming variations... katulad ng:
1. x is equal to 2008
2. x is equals to 1004 x 2
3. f(x) = 1004(2)
4. 2009 is next to 2008
5. 2007 is before 2008
o diba? dami dami!

marami ding nangyari ngaung 1st quarter ng 2008!!!
1. nanganak ang hipag ko
2. nag birthday and tatay at ate ko
3. may nagcrash na plane sa venezuela
4. nagka total lunar eclipse
5. nag offer ang microsoft ng $44.6 billion dollars (WAAA???) para bilhin ang yahoo!

pero enough talk about stuffs that i don't even know... nakuha ko lang ung numbers 3 to 5 sa wikipedia... hehehehe...

grabidad... lumabas pa ako ng bahay para lang bumili ng yosi... para lang makapagsalita ulet ng aking mga kakaibang thoughts... kakaiba kase... abnormal people lang makakaintindi... kung normal ka, at nababasa mo ito... mahihiya ka at sasabihin mong abnormal ako... OO... abnormal ako... at abnormal ka rin... kase kung hindi ka abnormal... hindi ka unique...

pero syempre... hindi magpapatalo ang mga "normal"... para sa kanila... ang normal ay normal... eh anu ba ang depinisyon niyo ng normal? ung tipong kumakain ng tatlong beses sa isang araw at naglalakad gamit ang dalawang paa? eh ganun naman din ang mga abnormal diba? ewan!

-----------------------------------------------------------------------------------------------

sabi nila... sila naman nagsabi hindi ako... kaya wag niyo ko pagbibintangan pag mali ung sasabihin ko kase galing naman sa kanila ung sasabihin ko... malinaw na usapan to ah... sige... simulan ko na ah... sige...

pumapayat na daw ako...

well... sila ang nagsabi... kaya... sila ang buntalin niyo... bibigay ako hint... mga kaopisina ng nanay ko... oh ayan ah... naghugas na ako ng kamay kahit na tuyong tuyo pa rin kamay ko...

-----------------------------------------------------------------------------------------------

new york city... ang bagong ciudad ng york... hmmm... eh asan ang lumang ciudad ng york? please... illuminate me with your bright headlights ng kotse mo... wag mo lang ako sasagasaan potah ka... illuminate lang... marunong ka naman diba mag bright ng ilaw ng kotse mo? kase kung hinde anong klaseng driver ka??

anyways of the ways of the people of new york city who came from the old city of york... asan ba kase ang old city of york? diba?? nakakabaliw na ito... sensya na ah.. naguguluhan lang ako... kelangan ko ng knowledge! pero sana ung tipong pang common sense lang ung sagot ah... baka naman upgraded version lang city of york ang new york? hmmm... malay mo... malay lang ah... hindi pa sigurado yan... kelangan nating ng definite reason para maprove yang statement na yan!

-----------------------------------------------------------------------------------------------

oh diba... pwede na ung title? hehehehe... yan ang nagagawa ng yosi... hindi lang saket... pati pag produce ng bright ideas!

babu-ers!

current affairs?? isang categorya galing fwendster

current affair ang lolaness... hehehe... wala lang... trip ko lang lagyan ng categorya ang aking post... feel ko lang... may angal? pwes... maganda ako... well, infairness ever current affairs nga naman... affair of the moelaloo to the current status of the mind... weh?

sabaw...

pasinsiya na sa ibang mga gagawin kong poste ko... english... lam niyo naman na trying ever hard akong mag english... kahit na pitong english subjects ang dinaanan ko sa skul at yung iba dun ay tatlong beses ko inulit... baluktot pa rin ang inggles ko... buhay nga naman... sabaw...

sabaw... as in tinola, sopas, sinigang, at kung anu ano pang ka-eklatan na may sabaw... basta masarap ang may sabaw habang kumakain... lalo na pag kila aling meding ka kumakain... yung tipong ang order mo ay liempo with rice and whatsoever ever to the moon... ay nko! masarap talaga ang sabaw!

mapunta naman tayo sa tsaa... masarap ang tsaa... lalo na ung abs herbs... pero wag ka masyadong expecting na papayat ka... losyang ka! mag exercise ka... kung me pera ka mag gym ka... tamang tama, may mag bubukas na bagong fitness first sa megamall.. inquire ka na dun sa mga mukhang tanga na sumasayaw sa gitna ng building A, or better yet... mag fitrum or xenical ka... kaso... OIL SHIT!

sandali nga... nawala na tayo sa topic at hand... nasa kamay ba? anyways... ang tsaa... ay nasa iyong palad... ilagay mo sa mainit na tubig... at pagkatapos ay lagukin mo... para minsan sa iyong buhay ay matunawan ka... diba? yan naman talaga ang use ng tsaa! yan ang ginagawa ko... pero hindi para mag patunay ng kinain... para ma-relax... sabi nga ng lipton tea chuva ever... para daw marelax and achieve your inner enlightenment... mag lipton ka... kaso hindi ako lipton... abs nga eh... potah... nagbabasa ka ba?

masarap mag laro ng games... na try mo na ba? kung hindi pa... malas mo... HAHAHAHA! try mo mag download ng diner dash at subukan mong maglaro... at kung mag download ka man... wag kang mambwisit ng tao para lang turuan kang iinstall at turuan kang maglaro... hindi ka kakainin ng pc mo... i-explore mo...! pasalamat na lang talaga tayo na hindi kumakain ng mga tanga ang mga gadyets ngaun... dahil kung kumakain... hindi ako masarap... puro ako taba!

nawawala nanaman tayo sa hand of the topic... basta masarap mag laro... hehehe

o siya... siya nga! sinabi ng siya! putek siya!

ang masasabi ko lang sa ngaun... ay... may pasok na kayong lahat...
at ako... ay nagsusulat at nagbabasa pa din ng mga pwedeng maisulat ang mabasang libro...
at the same time... in the chronological order... GMT +8... alas dose trenta na ng umaga
umiinom ako ng xenical at full time monster pa rin naman ako...
at kung posible... maghahanap ako ng gwapo diyan sa tabi tabi ng kapihan... bwahahahaha!

babu-ers!